Wednesday, April 15, 2015

Seen Zone

Isang gabi habang wala akong magawa, naisip ko mag random message sa mga kaibigan ko na taon ko na hindi nakakausap. Mostly sa mga taong ito ay kahit papaano masasabi ko naman na may pinagsamahan naman kami at hindi “feeling close lang”. Out of nowhere naisip ko lang sila kamustahin.
Kinuha ko ang aking cellphone at nag open ng FB. Nag message ako sa mga taong naging malapit sa akin nung college ako. Siguro umabot sa 10-15 katao ang minessage ko. Probably mga nasa 50% nagreply ang 30% not seen and no reply at ang 20% seen pero wala reply. Nakakatuwa ang nangyaring catching up sa iba kong mga friends! Marami kami napag-usapan tungkol sa mga nagyari sa buhay nila after college. Maraming tawanan at reminiscing the past.
Subalit may tanong na umiikot sa utak ko kung bakit nag “seen” lang ang 20% at wala ginawang reply. At first, inisip ko baka busy lang or nag iisip ng i-rereply. Hahaha.. Anyway, it didn’t bother me at first kac may isa naman nagreply after a day. Dumaan ang mga araw, nakita ko ang mga taong d nagreply sa private message ko ay very active naman sa FB. Nagpopost ng mga status at nag-cocomment ng mga pictures at status ng iba!
Napaisip tuloy ako… ano kaya ang possible reason ng hindi nila pagreply? Mind you, these people are close to me during college or at least naging close ko noon. If my memory serves me right, parang wala naman ata ako nagawa kasalanan sa kanila. Waaaaaaah…. Or baka may pinagdadaanan lang sila. #HUGOT JJJ
Actually, dati nung wala pang na create na “seen” features sa mga messenger ay wala naman ganitong issue kasi hindi mo naman malalaman kung nabuksan o nabasa ang mensahe mo. Pero ngayon na ma-iidentify mo na kung nabasa o hindi ay di mo maiiwasan magkaroon ng ganitong mga thoughts sa utak mo! Haha… Tinatawag ito ng iba na “na seen zone” ka kung ang ka chat mo ay hindi nagreply sa mensahe mo pero “seen” nya ang message mo. #saklap haha!
Well ok lang yan… iwasan nlng mag-isip ng masama sa kapwa. Baka naman may valid reason siya at hindi nakapagreply. Sa totoo lang, marami nangyayari misunderstandings sa chat, mas preferable pa din makipag-usap sa tao ng personal or phone call. Sa case ko, no hurt feelings. Mas value ko ang mga happy memories together ng mga taong nag “seen zone” sa akin at huwag na maging bitter. J As much as possible, iwasan na din mang “seen zone” kasi di natin alam may damdamin na pala nasasaktan dahil sa di pagreply although nakita mo naman ang mensahe. But of course, this is a case to case basis. Kasi kung ang mensahe naman ay hindi karapat –dapat replyan ay dapat nga na “seen zone” mo na lang para iwas gulo.
To conclude this message, Im still so grateful that I have God na hindi hanggang “seen zone” lang. He is the God who will never leave me nor forsake me (Heb. 13:5). Whatever may happen, no one can separate me from the love of God (Rom 8:39). Huwag tayo mag focus sa tao or sa kamalian ng tao kundi i-focus natin ang ating mga mata kay Hesus, He is the author and perfecter of our faith (Heb. 12:1). Kaya stay positive… ! Aja! Aja! J

No comments:

Post a Comment